If you watched ‘The Buzz’ yesterday afternoon, you would’ve seen the exclusive interview of Boy Abunda with dethroned Bb. Pilipinas-Universe 2010 Maria Venus Raj. The show milked the issue to the fullest, taking advantage of the fact that its’ rival network (GMA-7) is identified with the Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) and would not make a one-on-one so as not to displease the organizers. Anyways, for those who missed the interview, I am posting a transcript of the same (c/o ABS-CBN news), plus the video showing the full 10-minute spot on the show.
Dethroned beauty queen: I deserve the crown
MANILA, Philippines – Dethroned 2010 Binibining Pilipinas-Universe Maria Venus Raj on Sunday vowed to question the decision of the Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) to strip her of her crown due to “inconsistencies” in her birth records.
During her live interview on “The Buzz,” an emotional Raj maintained that the officials of the BPCI knew from the very beginning the incorrect entries in her birth certificate, and that the inconsistencies were not her fault. She said she was transparent about her background during the screening of candidates.
The beauty queen from Camarines Sur said up until now she is clueless why she was stripped of her title. She said she is ready to fight for her crown.
Below is Raj’s full interview with “The Buzz” host Boy Abunda.
Boy: Kanina off cam, nag-uusap tayo sinabi mo ilalaban mo ito dahil pagkatao mo na ang nakataya. Sa lahat ng naisulat, sa lahat ng nasabi saan ka napipikon?
Venus: Ang sobrang sakit lang po sa akin ‘yong sinasabi nila I am disqualified kasi I am born out of wedlock and then hindi ako qualified sa Ms Universe dahil sa hindi ako pinanganak dito sa Pilipinas. At kung may inconsistencies naman po, sa tingin ko hindi ko po kasalanan ‘yon dahil wala po akong kasalanan sa kung ano man po ang nangyayari.
Boy: So, ipaglalaban mo ang korona mo?
Venus: Of course.
Boy: At pupunta kayo sa courts of law para ipaglaban ang iyong korona na pinaghirapan?
Venus: Pinaghirapan po, sobra.
Boy: Kasi hindi na-mention ng Binibining Pilipinas Charities ‘yong sinabi mo ngayon na you were born out of wedlock. Deretsahang tanong, ano ba ang totoo?
Venus: Totoo po na hindi po kinasal ang tatay ko at nanay ko; na pinanganak ako sa Doha, Qatar at dinala po ako dito siguro mga 1 month old pa lang ako. At dito ako pinabinyagan ng aking mga magulang. So, ‘yon po ang katotohanan na kahit minsan hindi ko po tinago.
Screening, sinabi ko na po ‘yon sa kanila. Nagpapakilala po ako. Sinasabi ko na I am Maria Venus Raj. I was born in Doha, Qatar but I was raised here in the Philippines. And then, may one-on-one interview, sinasabi ko rin po ito.
Sa isa ngang interview, sinabi sa akin nang nag-interview, ‘So what is is so special being born abroad?’ So, para sa akin wala pong problema at alam ko po from the very beginning alam po nila ito.
Boy: So, bakit nila ginagawang dahilan ito? Would you know why?
Venus: Actually, hindi ko po din maintidihan kung bakit.
Boy: Doon sa statement ng Binibining Pilipinas na sinasabing sa iyong birth certifcate sa CamSur ka pinanganak at hindi sa Doha, Qatar. So, what’s the truth? That is one inconsistency. How do you explain that?
Venus: Ang totoo po talaga pinanganak ako sa Doha, Qatar pero ang nakalagay po sa birth certificate ko San Vicente, Bato, Camarines Sur. Nahawakan ko po ang aking birth certificate siguro high school na po ako,’yong mag-a-apply ako ng scholarship… noong ako ay magfi-first year college.
Boy: So, you have nothing to do with the inconsistency?
Venus: Exactly.
Boy: Were you aware of the inconsistency when you joined Bb Pilipinas na nakalagay doon sa birth certificate mo CamSur samantalang sa Doha ka pinanganak?
Venus: Yes, I am aware and I am telling them from the very beginning.
Boy: Didn’t you correct the inconsistency?
Venus: Sir Boy, kung kayo ang nasa kalagayan namin, mahirap kaming pamilya. Kung kayo ba ang nanay ko at ang iniisip mo lang ‘yong papakain mo sa mga anak mo, iisipin niyo pa ba na ipaayos ang mga dokumentong ito para pag-join niya… hindi naman namin alam ng nanay ko na sasali ako sa ganitong pageant?
So, kung nandoon ka sa sitwasyon na ‘yon, hindi mo iisipin na ipaayos ‘yong dokumento. Iisipin mo ‘yong pampakain sa mga anak mo.
Boy: At hindi mo rin naisip na ito ang magiging dahilan kung bakit ka matatanggal sa Bb Pilipinas. I’m hearing for the first time you were born out of wedlock. Bawal ba sa Bb Pilipinas rules?
Venus: I don’t know. Wala pong nakalagay sa rules ng Ms Universe or kung saan man na kapag pinanganak ka out of wedlock…
Boy: Na hindi ka pwedeng maging beauty queen?
Venus: Totoo.
Boy: What about your father? He’s an Indian national.
Venus: Yes, he is.
Boy: So, hindi siya taga-dito sa Pilipinas?
Venus: Hindi po.
Boy: According sa iyong birth certificate, Catholic Indian ang iyong ama.
Venus: Ang totoo po ang tita ko po ang nagpa-register sa akin noong bata ako, 3 years after [my birthday]. Ang nanay ko nahihiya siya ng mga panahon na iyon na lumabas at magpa-register sa akin kasi chini-chismisan siya ng mga tao na nasa paligid niya. So, ang tita ko ang nagpa-register sa akin. And hindi alam ng nanay ko na ‘yon ang information na sinabi ng tita ko.
Kung meron mang pagkakamali, hindi kasalanan ng nanay ko at hindi ko rin po kasalanan.
Boy: Naiintindihan kita. My father was born out of wedlock. At alam ko ang pinagdadaanan ng mga taong anak sa labas sa probinsiya. Ang tawag sa kanila, forgive me mga kaibigan, ay anak sa pagka-bastardo. So, alam ko ang ibig sabihin noon. So, right now given where you are, ano ang mga gagawin mo? Galit ka ba sa Bb Pilipinas?
Venus: Hindi po ako nagagalit sa kanila. Ang akin lang po sana linawin lang nila kung ano ang reason nila sa pag-dethrone sa akin kasi hindi po malinaw. At alam ko na nakapasa ako sa kung anumang qualification na meron sila. At siguro from the very beginning, sana sinabi na nila sa akin para hindi na po ako umasa.
Boy: So, doon sa sinasabi nilang inconsistency sa iyong birth certificate bilang dahilan ng pagka-dethrone mo, hindi mo tanggap ‘yon?
Venus: Hindi po.
Boy: Dahil ang pakiramdam mo sinabi mo ang totoo?
Venus: Totoo po. Hindi ako nagtago sa kanila, hindi ako nagsinungaling sa kanila. From the very beginning, may mga video na magpapatunay na sinasabi ko ito noon pa lang.
Boy: Kumunsulta ka na ngayon sa mga abogado? You’re going to the courts of law para ilaban na you deserve the crown?
Venus: Yes. I know I deserve the crown at wala akong nakikita na dapat i-disqualify nila ako for that.
Boy: Venus, final words. Ano ang nais mong sabihin sa iyong ina, sa iyong ama, sa lahat ng mga tao na na-involve dito?
Venus: Unang una po sa mga magulang ko, hindi ko po sila sinisisi sa kung anuman ang nangyayari sa akin ngayon. Alam ko na hindi nila ‘yon kasalanan, at hindi ko ‘yon kasalanan.
Boy: Do you still see your dad?
Venus: No, actually hindi ko na po nakita ‘yong tatay ko mula po noong pinanganak ako.
Boy: So, you have no contact with your father?
Venus: Wala po.
Boy: Pero wala kang kinakargang galit?
Venus. Wala po. Pasalamat po ako at buhay ako ngayon.
Boy: Go ahead. Talk to your mother, talk to your dad, talk to Bb Pilipinas Charities.
Venus: Unang una sa family ko, kahit ganito ang nangyayari ngayon, nagpapasalamat ako at nandiyan pa din sila at gumagabay sa akin.
At sa Bb Pilipinas po, ang akin lang sana ipaliwanag lang ng maayos. I-clear sa akin kasi hanggang ngayon hindi ko alam kung ano ang main reason ng pagde-dethrone nila sa akin. Kasi ang alam ko po I deserve what I got from the very beginning.
Boy: Pero base sa statement ng Bb Pilipinas, ‘yon ang mga dahilan na binigay nila. You totally question the decision?
Venus: Exactly.