And so, Emma Tiglao finally ends her pageantry years. She is already an established national beauty queen, and nothing can take the Binibining Pilipinas title away from her.
We are always assured that endings always bring in new beginnings. doors close and new better doors will open.
Goodbyes are HARD when you really wanted things to work out, but life just happens. 💔
I always cherish the memories though. 💛Maraming salamat sa inyong suporta at pagmamahal ❤️😭🥺
Emma and Samantha Lo both could’ve done better if their crowns were switched, IMO. Nweiz, Emma will always be one of the most gorgeous BBP Queens ever.
(Semi) Retirement muna this year. Wait until KF will appoint Emma to compete in one of the international pageants (na may connections sila). In the meantime, work, work muna and pahinga once in a while. Ganyan lang ang drama Manang. He, he, he… Good Saturday to all.
Just like Shane Tormes, akala ng lahat retired na siya sa pageantry. And now she is back! Good luck to you Shane!
There is more to Pageantry! I think EMMA has a great FUTURE….Go EMMA cgo for your other dreams and use all your hardwork like what you did when competing
In 2019 I was rooting for her!!!! Gazini was really my bet in Supra (we could have won that time), Patch (international), Emma for universe, But sabi nga ni Queen Catrionona, we are never rejected we are just redicted towards something more beautiful
@ Garga 2019? I doubt, with the likes of Ann Porxild, Janick, & Yana Haenisch. Pero, sige. Ipalit si Inday kay Fitriana, puwede pa.
Sam Lo was the flop of BBP that year. Gazini should have gone to Caracas instead; Sam Ber would have been the excellent follow-up; i-a-appoint rin lang pala in the end (2020 edition).
To date, Gazini is EASILY the most beautiful rep Philippines has sent to MU.
Good for her. It takes wisdom to make these tough decisions about your future.
She seems to have a good career outside pageantry and she can still continue to remain active modeling with her looks.
As I’ve always said, there is wisdom in knowing when to quit.
The sad reality is that in most beauty contests, 27-28 is already considered long in the tooth. Emma has had decent placements in the past already.
Wise decision in avoiding a “Send in the clowns” moments : That is , “losing her timing this late, in her career” and thinking “we want what she wants, sorry my dear”.
Good luck in your future endeavors.
World Peace.
Sa mga kababaihang sasabak sa timpalak pagandahan at sa mga nais umulit pa:
Mainam lang naman ang umulit nang umulit sa timpalak kapag kayo ay na-lotlot de leon na. Mas maganda nga na sumubok nang sumubok hanggang inyong makamit ang korona dahil napakasarap namnamin na sa inyong pagbagsak kayo natutong tumayo at nagwagi kalaunan.
Subalit sa muli ninyong pagsabak sa patimpalak pagandahan, nararapat na inyong tandaan na ang ibayong paghahanda at sikhayo ay napakahalaga nang sa gayon kayo ay magtagumpay sa larangan. Mahirap naman na babalik kayo sa patimpalak na gaya rin lang ng dati ang inyong anyo at kahandaan. Masasayang lamang ang inyong oras at panahon.
Kung iaasa ninyo ang inyong kapalaran sa timpalak pagandahan sa tinatawag na “swerte”, maiging huwag na lamang kayong tumuloy. Ito ay sa kadahilanang bibihira lamang ito nasusumpungan, gaya nang nangyari kay Pia Wurtzbach kung saan noong sa kanyang pangatlong sabak, hindi handa ang kanyang gandang pangangatawan subalit s’ya pa rin ang itinanghal na Binibining Pangkalawakan ng Pilipinas.
Iyan po lamang.
(Pahabol: Napakasarap bigkasin ang ating wika, sa totoo lang. Kaya kung naging matatas lamang ang pagsasalita ng Wikang Filipino ni Maxine Medina nung MU 2016, malamang isang masigabong palakpakan ang kanyang natamo sa mga kapwa Pilipinong nanood noon sa MU 2016 sa MOA Arena at maaaring s’ya ang nag-uwi ng pang-apat na korona.)
Love your use of Filipino language, Ana!
Hahaha! Salamat, Tito Norms. Grabeng effort on my part, pero I tried my very best. Napakasarap pala na maging Pilipino maging sa paraan ng pagsulat ng ating wika.
That’s all.
Kung ako ngang taal na Bulakenya nahihirapan pa rin, kung kaya’t ginagawa kong magsulat sa malalim nating wika kapag nakakaapuhap ako ng inspirasyon. 😊
Ang saya! Haha! Grabe ka, Tito Norms. Lumalabas ang naitatago mong bokabularyong Pilipino, maging ang dalawang salita na iyong ginamit (taal at nakakaapuhap) ay may kahirapang iarok. Magkagayunman, labis ko itong ninamnam na bigkasin. Napakasarap maging Pilipino.
Sa aking hinuha, dito ko na rin nakukuha ang hugot kong pagkakagusto sa isang Pilipinong kayumanggi na maging katuwang sa maiinit na tanghali at gabi. Napakasarap isipin na pinapaliguan ko sila sa may batalan bago ako maghahain ng kanyang hapunan. Haha
Ang iyong nasambit wari’y isang kabalintunaan, Tito Norms. Ngunit nasa akin ang pang-unawa. Alam kong ang pagmamahal ay may kaakibat na pagpapagal at ito ay may hangganan. Hangad ko na isang araw, muling umusbong ang pag-ibig sa iyong kaibuturan at isang matipunong ginoo ang magpapatibok nito.
Bilang panghuli, napakaalembong ng iyong tinuran sa iyong huling pangungusap. Hahaha!
Hangad ko ay isang lalaking hindi ko pagsasawaan. Sa pahimakas ko, iyon ang lagi kong hinahanap – mailap at mahirap mahanap.
Nababanaag ko ang mataas na iyong pamantayan sa paghahanap ng ginoong makakatuwang sa iyong buhay. Kung hindi Pilipino ang iyong kapalaran, nawa’y iyong masumpungan ang isang lalaking dahuyan na handa kang paligahayin araw-araw, gabi-gabi. Hindi ba’t ang akin ay isang banyaga mula sa isang bansa sa Europa? Isa s’yang binatang taring na naligaw sa aking lupang silangan, at nang ako’y kanyang inirog, liglig n’ya akong pinapaligaya gabi-gabi. Sinisimsim niya ang aking bulaklak na madalas ang pamumukadkad.
Hahahaha!
Madam Ana at Norman pinadugo ninyo ilong ko huh! Kaaliw basahin ang inyong sagutan. Naapreciate ko tuloy ang lengwahe natin.
Madam Ana. Ikaw na talaga. Fan na fan mo na akl sa english at Filipino. Labyu na. sobra sobra hihihi
@AWL, sa ganang akin, kahit sino na tumutugon pa rin sa mga itinakdang pamantayan ng patimpalak, kahit nagkamit na ng korona o nananatiling pinagmamailapan ng titulong pangkagandahan, ay maaari pa ring sumali kung sa muli niyang pagsabak ay magtataglay siya ng bago at pinaigting na mga katangian na magluluklok sa kanya sa tronong inaasam. Kung itong pinaigting na mga katangian ay sadyang magpapatibay sa nilalayong adbokasiya, o inaasam na matatag na karerang propesyonal, at higit na magbibigay ng inspirasyon sa nakararami na magpunyagi sa buhay, nararapat lang silang muling sumali.
Ako ay sumasang-ayon sa iyong tinuran, Scorg. Ang mga ganitong panukala ay nakabubuting tupdin ng mga kababaihang sumasali sa timpalak pagandahan, nang sa gayon ay hindi sila magwaldas ng oras at panahon.
Iyan po lamang.
Grabeeeh, ang sarap basahin ng mga palitan ng kurokuro. Yung iba di ko na matarok hahaha. Para akong nagbabasa ng tula. Galing nyo Ana Winter- Lund at sir Norman.
Thanks for appreciating, dear.
Sa totoo lang, nagsi-self study ako ng Wikang Filipino lately, mapa-balarila at panitikan. Napagkatuwaan ko na mag-comment dito applying what I learned. Sinimulan ko muling basahin ang Noli Me Tangere. Grabe, ang lalalim ng words, pero nakakaaliw basahin.
Maganda talaga ang ating wika lalo na pag binigkas ito ng buong linaw at may pagmamahal. How I wish, magkaroon tayo ng isang MU rep na fluent both in English and Filipino, tapos sasagot s’ya sa QnA in Filipino with an interpreter, the real purpose of which is to let the people of the world hear that our language is a music to everyone’s ear. Sana talaga.
That’s all.
Malinaw kong nababanaag na mahal nyo ang ating wika gayundin ang ating bansa. Hangad ko na ang pagmamahal nating lahat sa lupang sinilangan ay ating ipakita ng masiklab at masidhi sa darating na halalan. Maging mapanuri at matalino po tayo sa pagpili ng susunod na Pangulo at iba pang opisyal ng gobyerno. Wag po sa huli na nagsisinungaling pa. Wag po sa ang pakay ay pansarili o pang-pamilya nya lamang at hindi pangmamamayan. Wag po tayong bulag. Yun lamang po. Salamat at nawa’y manatili tayong malakas at ligtas.
Ay! Mukhang nagtagpo ang ating adhikain sa ating bayan. Doon tayo sa mataas ang integridad dahil hindi mandarambong at sinungaling.
‘Yan lamang po.
Sama higit na marami pa ang may ganitong adhikain sa mga sumusubaybay ng timpalak pangkagandaham. Isang kabalintunaan ang paghanga sa kagandahan ng sangkatauhan ngunit tumatangkilik sa kasinungalingan, kumikibit-balikat sa pandarambong at itinatatwa ang integridad ng sangnilikha.
Kinikilig ako @ThisIsMe and @Scorg. Sana dumami pa ang mga sasama sa #KulayRosasNaBukas. Sabik na sabik na ako sa tunay na pagbabago.
‘Yan po lamang.
@AWL & ThisIsMe: Ang ikinalulungkot ko sa blog na ito ay tila pinamumugaran ng maraming maiingay at mapangutyang troll, mga bulag sa aral at katotohanan ng kasaysayan, at mga walang kamulatan sa patuloy na pagbabago ng mga kaisipang magpapaunlad sa sangkatauhan. Sa usapin na lang ng pagtingin sa kagandahan, tila limitado lang sa pisikal na kaanyuan nang ang buong mundo ay nagkakaisa sa damdamin na ang tunay na kagandahan ay nakikita sa kabuoang pagkatao ng isang nilalang– kasama ang isip, salita at gawa. At yaong pagtingin sa kagandahang pisikal ay kahabag-habag na naaayon pa rin sa pamantayan ng ating dating panginoong kolonyal, nang kahit ang mga pandaigdigang timpalak pangkagandahan ay matagal nang nakahulagpos sa mga kanluraning panukat dahil napagtanto na nila na ang ang pagtaya sa kagandahang pisikal ay nakaagapay sa angking kultura ng isang lipi. Sa kabila nito, buong pagmamalaki nating ibibinabandila sa buong mundo na sa Pilipinas ang pagdiriwang ng kagandahan ay malaganap at dinaraos ng 365 na araw sa isang taon. Nakakalungkot isipin kung ang mga kabalintunaang ito ay siya ring masasalamin sa usapin ng pagpili ng mamumuno sa ating bansa. Sana ang masusing pagtingin sa kasaysayan, mapanuting pagtaya sa impormasyon, at ang maigting na pagyakap sa mapagpalayang katotohanan ang maghari sa mga Pilipinong tunay na naniniwala sa kapangyarihan ng kagandahan tungo sa pagbabago/
* “mapanuring”
, hindi “mapanuting”
In beauty pageantry, you should also know when to STOP.
Perhaps, Emma did realize after a good days of soul-searching that her pageant days are over and she has no more goods to offer. After all, she doesn’t have anything to prove. She’s a queen already.
Good decision indeed. Good luck to your endeavors, girl.
That’s all.
@AWL, I totally agree with you that in beauty pageantry, one should know when to stop, especially when she has found a higher calling or career that will empower her better to be inspirational and aspirational. I think this is the caveat: a higher calling that empowers one to inspire more people to dream and aspire big. For those who already have a beauty title and/or a career, and are still qualified, joining the nationals for the chance to gun for an international title is perfectly appreciated if the intention is to win a platform that will resonate her advocacy on a global scale. In other words, those who already have professional work may be aspiring to leapfrog her career internationally by rejoining the national search. The same is true for those who already won a title with a budding career. To me, this is not revalidating one’s worth but an effort to present a new fortified personal brand that can inspire and empower worldwide audiences.
Whether one stops or continues on beauty pageantry, the bottomline is: will the journey sustain her role to be inspirational and aspirational to wider audiences?
Whatever direction in life she takes, I wish her luck.
@ serge Nagtratrabaho na po siya sa isang news channel. May nag-comment na sa baba. READ.
Saludo ako sa mga beauty titlist na gusto nang tumigil sa pagsali sa mga patimpalak. Hindi gaya ng mga iba diyan akala mo wala ng kapaguran sumali sa mga patimpalak kahit alam na nila na wala ng pag-asa. Sana isipin nila hindi lang sa patimpalak ang umiikot ang buhay. May buhay din pagkatapos ng patimpalak. Harinaway magtagumpay ka sa lahat Miss Tiglao.
A very intelligent decision. I’m glad she did not succumb to the hype that goads her to try another national beauty derby. She’s already a beauty queen. Why try another pageant where the stakes are high? For what– to prove her worth once more? And for what purpose? Beauty titles are stepping stones to a yet higher more stable career. I understand she has now crossed over to broadcasting, a career where intellect, street smartness and core values come into play more than physical beauty. That feat alone is worth another crown won– a crown bestowed on the other dimensions of her beauty. Because of that she has significantly added more values to her personal brand. All she has to do now is to hone her broadcasting skills on the job, and she can be an accomplished broadcaster in due time.
While other beauty queens are still trying to crack open the doors to their dream stable careers, Emma has shown a focused tenacity to pursue her career. That alone makes her a real beauty queen.
Maniwala kayo dyan. KF will appoint her. Just like what they did to Shane Tormes (Miss Global) and Rufa Nava (Reina Cafe something… he, he, he…) . KF has many connections to different (new) international pageants.
I think the reason why she had decided to announce her (early) retirement is due to the fact that Miss World Philippines lowered its ceiling age for applicants – 17 to 26 years old only. Emma (I believe) is still interested and qualified for Miss Supranational age wise, but yun na nga hanggang 26 na lang ang tatanggapin ng MWP for this year’s edition.
Another thing, with Michelle, Julia, Vanessa, Pauline, Chantal and other girls from A@Q joining MUP, she must have felt na mahihirapan siya lalo na at KF siya. Baka matulad lang siya kay Steffi.
Anyway, good luck to her (other endeavors in life).
Maayong buntag sa tanan.
If KF appoints her to join a worldwide pageant, I hope she says yes and I am certain she will do very well and even win ! I like Emma Maria Tiglao … in fact , an MU type of a candidate
Korek! Thanks my dear. Good morning.
Sobrang retokada ung look nya. Almost looks plastic
Kumusta ka naman?