39 comments on “Michele Gumabao for Buwan ng Wika

  1. Mg vs Bella fr day 1. Sure na sure na Sabi Ng nagtsika sa kin Ng pagtawid Ng supra .lagi Tama tsismax nun
    Kaya nga kahit fave ko si amelinx Sigrid galleria di nko umaasa

    • Bonsai , Pauline and Galleria have a chance
      I think the judges wil give the crown to whoever shines that night . Pauline Galleria Bella Michelle Sandra Billie Apriel Alaiza … even Rabiya or Kia can get the crown ..

      • @ Fabian Reyes Just me, the Finalists should consist of those who “need to end now” their pageant careers (on a high note). While those who can still afford to repeat, if not cross-over, can be relegated to lower placements for now.

        Need to end now – Gumabao, Malinao, Amelinckx, Smith, and Lemonon.

        Can be nice to see at another (future) pageant – Ysmael, Galeria, Moreno, Hakkenson, and Mateo.

        If this was the selection you gave me, I would (personally) tweak/refine bearing in mind that the Finalists will probably get contracts with MUPO. I also think The Camp will be perfectly OK to have one bet in each division. That being said, I feel just a tad sad for the PLEASANT Abello….

        Top 10 – Galeria, Ysmael, Hakkenson, Smith, Lemonon, Final 5 – Moreno will be Kim Docekalova, Gumabao will be Patrapon Wang, Mateo will be Thanachapon Boonsang, with Amelinckx and Malinao to settle between themselves the positions of Miriam Somnprommas and Paweensuda Drouin. 🙂

      • @fabian yes alaiza who is so ready and rabiya who looks like a Bollywood actress can really shine. I hope my mole is incorrect . Bella is such a delicate beauty that i see her as an mi material
        Flor at fabian can Bella join bbp even she is related to Mar who came fr Araneta clan?

      • @ bonsaihater ‘Yan nga ‘yung isa sa mga una’ng nabanggit nu’ng una’ng labas pa lang si Bella – nepotism. 🙂

        @ Closer2Fame said so himself of Patrizia Garcia in the Pageantry Norms episode # 6 post – that it counts at BBP…

        In hindsight (now), that may be the reason why The Camp opted Bella out of BBP 2020.

        So, I guess that partly explains why many want her to try for MWP, aside from her ballet skills.

        But doesn’t (show business) nepotism (also) run amuck in ALV’s pageant? I guess it’s true. CONNECTIONS can give an edge.

  2. Kung bakit si Binibining Gumabao ang pangunahing tampok sa Buwan ng Wika ay maikakawing ba sa kadahilanang ang Lungsod ng Quezon ang sentro ng pagdiriwang ng pagpapahalaga sa Wikang Pambansa? Walang masama lalo na at ang isa sa nangungunamg paraluman sa pagdiriwang ng kagandahan ay matampok sa pagdiriwang ng ningning ng ating pambansang daluyan ng pakikipagtalastasan. Si Binining Gumabao ay kilalang mamamahayag at komentaristang pangkalakasan, at isa sa mga manlalarong nagbigay na ng karangalan sa bansa. Ang taglay na di-pangkaraniwang pagsasama ng kagandahang pisikal, talino at pag-uugali ay tiyak na magsusulong sa kanya sa tagumpay sa larangan ng pandaigdigang tunggaliang pangkagandahan. Tunay na kagila-gilalas na dilag (phenomenal woman)!.

    • Scorg! Napadugo mo ang ilong ko sa iyong malalim na pananagalog. Napakaganda talaga ng ating wika, lalo na marahil kapag ito ay binibigkas ng taos sa puso.

      Isang malaking check ng pink na pluma na may ginintuang balahibo sa tuktok ang iyong isinulat patungkol kay Bb. Michele Gumabao. Para sa akin, siya pa rin ang nangunguna sa listahan ng mga kalahok sa patimpalak pagandahang ito, bagama’t kailangan niyang magbawas ng timbang.

      Iyan lahat.

      • Ana Winter, heto na naman tayo– pareho na naman ang napipisil na kalahok. Tila may iisa tayong pamantayan sa uri ng kagandahan. At yaon ay ang masaklaw na pananaw: kariktang pisikal, katalinuhan, at magandang kalooban. Kahanga-hanga ang pagsasanib sa isang nilalang ang mga katangiang ito. Inaamin ko na sa patimpalak na ito, napakarami ang nagtataglay ng mga di-kapanipaniwalang katangiang ito. Mahigpit ang labanan. Tunay na maipagmamalaki ng sambayanan na napakaraming may angking kagandahang panlabas at panloob ang ating mga kababaihan. Kagila-gilalas!

        Yun na!

  3. i think mas ok sya ipadala sa mw. but she still need to lose weight and be physically fit pa din. Kaya lang kung sa mw sa sumali baka hinde sya masyado mag effort magpapayat like katarina and michelle dee. idk pero mukhang mw talaga dapat. and speaking of mw. sino bet nyo sumali sa mwp. or if may alam kayo chika nyo na here kung sino sasali kahit rumor pa yan hehe. and toto po ba na allowed ang past mwp titlist to rejoin? seryoso? if yes. its better to have all star edition ng mga past mwp titlist. exclusively for them. wag na haluan ng new applicants. for obvious reasons. do it every 3 years. Ok lang haluan ang new applicants ng past titlist na galing sa ibang national pageant wag lang galing sa same org.

    • Jed, Katarina and Michelle D I think were in much better shape than Michelle G is now . It needs extreme discipline for Michelle to get body -ready for MU.

      • Yes Fabian. but the point is they didnt give effort much on their body since wala ng ss segment sa MW. point is if MG will send to MW. Hinde din sya mag eeffort too much on her body dahil iba na ang mw ngayon. Pero still it is worth to send her in MW pa din.

  4. Gorgeous. I hope she has shed those extra pounds and has improved her pasarela by now. I think it will be a 3-way contest for MUP crown. Amelinx, Ysmael, and Gumabao with Amelinx having a slight edge over the 2.

    • Oh I forgot Malinao. It will be a 4-way contest with Amelinx having a slight edge over the 3.

      • @ serge I wonder if folks realize what MUP is TRULY turning out to be…

        A showdown between The Camp and A&Q! 🙂

        In your “Elemental Court”, for example, Gumabao & Amelinckx are A&Q while Malinao & Ysmael are The Camp.

        It is clear you are rooting for Pauline of Tubigon, Bohol. Not bad, considering she has already proven her worthiness of competing internationally. It’s just unfortunate Mutya could not deliver…

        Speaking of Mutya organization, you know any past kween of theirs planning for MWP 2020?

      • For me, the fact you forget Malinao only goes to show she is not a front runner for you. Because if she is, you will not forget her.

    • @Flor. I have no idea who among the past MnP winners are planning to join MWP. But I hope the current MnP, Klyza Castro would crossover after her reign. She is pretty, tall, and smart.

  5. MASYADONG NA PHOTOSHOP NAMAN ANG LARAWAN NI MICHELE GAMIT ANG LENS CORRECTION NG LIGHTROOM AT LIQUIFY NG PHOTOSHOP… KUNG AKO SI MICHELLE MAGANDA NGA ANG LARAWAN PERO DI AKO MAGIGING MASAYA KASI DI NA SI MICHELLE ANG NASA LARAWAN… NAKAKALOKAH….PHOTOSHOP PA MORE….

  6. Handang-handa na si Binibining Michelle Gumabao para tanghalin bilang Miss Universe Philippines sa taong ito. Hindi maikakaila ang kanyang natatanging ganda sa mga larawang inilathala ni Ginoong Tinio sa pahinang ito ng kanyang blog. Hindi rin matatawaran ang kagalingan ni Bb. Gumabao sa pagsasalita pampubliko man o sa pakikipagkapwa. Siya rin ay may katalinuhan at may maraming alam sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa ating lipunan. Kaya para sa akin hindi lang siya handa para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong buwan ng Agosto kundi handa nang tanggapin ang korona ng MUP sa buwan ng Oktubre at irepresenta ang ating bansa sa buong Universe. Maraming salamat po at magandang hapon sa inyong lahat.

    • @Paul, lubha akong nagagalak na mabasa ang iyong marubdob na paghanga kay Binibining Gumabao. Tunay ngang nagtataglay siya ng mga katangiang magbibigay sa Pilipinas ng malaking kakayahang masungkit ang inaasam na pang-limang korona sa pangkalawakang patimpalak.

      Subalit namamangha ako at nang nagsulat ka sa Wikang Pilipino ay biglang nawala ang iyong natatanging tatak na “ubod pranka” at “matalas na dila”. Sa palagay ko, kapag isinalin mo sa Wikang Pilipino ang ibang kaisipan at konseptong Inglis, higit na masakit sa tenga at dibdib ng makakabasa. Bakit ganoon? Kapag sa wikang Inglis, katanggap- tanggap. Kapag sa wikang Pilipino, itinuturing kang bastos at walang pinag-aralan.

      • Maraming salamat Scorg sa iyong mga papuri sa hapong ito. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon masakit sa tenga at dibdib pakinggan ang mga konsepto sa wikang Ingles pag isinalin mo ito sa wikang Filipino. Marami rin kasing teorya at tradisyon sa pagsasalin. Tungkol naman sa pangalawang punto na inihayag mo, ito ang mga kasagutan ko. Una, may mga tao pa ring mababa ang pagtingin sa wikang Filipino at iba pang wika sa Pilipinas. Pangalawa, nasa paggamit ng wika – iba’t ibang level at estilo sa pagsasalita man o pagsusulat.

        Yung “ubod nang prangka” at “matalas na dila” hindi rin naman sa lahat ng pagkakataon yun. Nakadepende yun sa mood ko nang pag-upo at pagharap ko sa laptop at sa pagbasa ng mga komento rito. Maraming pagkakataon na hindi rin ako nagkokomento o sumasagot kahit na tinira na ako. Ganun lang ang buhay Scorg. Kumusta na dyan sa Timog Africa? He, he, he…

      • @Paul, hindi maikakaila na sa tayog ng iyong kaisipan at indayog ng iyong panulat na isa ka palang– makata, eh!

      • I don’t mind if she wins
        I just hope she Loses weight
        I also hope she stops moving her head and body too much while talking . It makes her look ‘unqueenly’

  7. The pics look so good
    I hope it is the same impression when she moves
    There is no question Michelle is super articulate but she needs to talk like a queen not a volleyball player .
    Lara Dutta Olivia Culpo Zosi and Demi look and sound very queenly .
    Olivia J Nina Sanchez And Michelle G talk like cheerleaders .

    • @ Fabian Reyes May I know what Brooke Lee’s “I-will-eat-everything-in-the-world-twice-you-do-not-understand” sounds like? Kween or cheerleader?

      🙂

      “Nina” Sanchez was the Project Runway judge and fashion magazine editor-in-chief. “Nia”, right?

  8. buwan ng wika
    ngunit pagmumukha
    chinita
    haponesa

    LOL

    gondoh ni ateng
    4th runner up for now

    • I agree
      I hope someone can explain why she was styled very Japanese when it was meant for Linggo ng Wika

  9. Tito Norman , is there a video of this photo shoot ?
    Pics are amazing BUT…
    I feel like the only way we can accurately assess her beauty and sex appeal is by watching her talk and move .

      • @ Norman Mr. Blogger, how EXACTLY does this relate with Buwan ng Wika, po?

        But WOW! Chee-Co collaboration. Suddenly hankering for the fruit… 🙂

        Sir Tinio, has Francis Libiran been summoned to devise Gumabao’s sartorial strategy for MUP, po?

Comments are closed.