4 comments on “Mister Tourism World: The Grand Launch in Bali, Indonesia 

  1. Walang problema kung sino man sa prestihyoso national male pageant ang makakuha ng prangkisa ng Mister Tourism World tulad ng Mister Philippines ni Dr. Pallera; Gentlemen of the Philippines ni Bb. Precious Medina; Misters ng PEPPS; at puwede na rin ang Mister United Continents Philippines ni Gng. Meleen Miranda kahit sa kabila ng mga batikos sa kanya, heto at magkakaroon na sila ng pangalawang edisyon sa taon ito, dahil kelan lang ay nagsimula na ang kanilang screening at sa ika-13 ng Pebrero magaganap ang kanilang final screening.

    Maayos at maganda naman ang paghihiwalay ng PEPPS (humahawak ng Misters) at ni Bb. Precious Medina na dati tumutulong sa kanila. Hanggang sa naisipan niya na magtaguyod ng sarili niyang national male pageant ang Gentlemen of the Philippines. Napagkasunduan nila Bb. Medina at ng PEPPS na siya na ang hahawak ng prankisa ng Mister Tourism International, Mister Global at Mister Model International na hawak dati ng PEPPS/Misters. Sa tatlong hawak ngayon ng Gentlemen of the Philippines (Tourism International, Global at Model International) ang pinakabagong hawak nila ngayon ay ang Mister Worlwide Philippines, na kelan lamang ay nagpadala tayo sa Mister Worldwide ng ating kinatawan na si Jolo Dayrit sa Miami, Florida.

    Ang PEPPS/Misters naman ay nananatili pa rin hawak ang prankisa ng Mister International (dati itong hawak ng Mister Philippines ni Dr. Pallera, tatlong taon na ang nakakaraan); Manhunt Philippines at ang pinakabago nila ang Man of the Year, bali tatlo titulo ang hawak ng Misters at apat na titulo naman ang hawak ng Gentlemen. Unang hinawakan ng PEPPS/Misters ang Manhunt Philippines ay noong 2013 na ginanap sa Palacio de Maynila at ang nagwagi sa patimpalak na ito ay si Jamiel Ventoza. Ngunit walang naganap na pandaigdigan kompetisyon simula 2013 hanggang sa kasalukuyan.

    Samantala ang Mister Philippines ni Dr. Joseph Pallera ay nagsimula noong 2010 kung saan hawak pa niya ang prangkisa ng Mister Intrnational. Naging maganda naman ang pamamalakad ni Dr. Pallera sapagkat lagi pumapasok sa semi-finals ang mga pinapadala natin kalahok sa Mister International. Unang nagwagi bilang Mister Philippines 2010 si Raphael Cruz Carlos (Marikina City), sinundan naman ito ni Fhrancis Oliver Lopez (Las Pinas City) noong 2011
    at Mark John Gutoman (Marikina City) noong 2012 hanggang sa tuluyan na mapunta ang prangkisa ng Mister International sa PEPPS noong 2013. Nagkaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan sa pagitan ni Dr. Pallera at Mr. Alan Sim, ang may hawak ng Mister International kaya nalipat ang prnagkisa sa PEPPS. Sa kabila ng lahat, tinuloy pa rin ni Dr. Joseph Pallera ang Mister Philippines at nakuha niya ang prangkisa ng Men Universe Model mula Dominican Republic. Si Mark Del Rosario ang kauna-unahan Pilipino na lumaban sa nasabing pandaigdigan patimpalak at nagkamit ng 2 awards– Best in Costume at Mr. Popularity, kahit hindi pinalad makapasok sa semi-finals ay may napatunayan naman. Sumunod na taon naman ay si Mike Mendoza ang ating kinatawan sa Men Universe Model 2015 at naging maganda ang laban niya sa Dominican Republic dahil sa pagpasok niya sa semi finals. Sumunod na buwan, kumatawan naman si Mike Mendoza sa WCOPA 2015 sa Long Beach, California at naging
    grand champion sa modeling category. Sumatutal, maganda naman at masasabi na rin natin magaling ang patakbo nila Dr. Joseph Pallera at PEPPS sa kani-kanilang pageants dahil lahat naman ng pinapadala nila sa iba’t ibang kompetisyon ay nakakapag-uwi naman ng karangalan sa kabila ng mga konting problema at intriga nararanasan nila, tuloy pa rin ang magandang buhay…everyday is a learning curve.

    Ang Mister United Continent naman ang unang international male pageant na Pilipino ang may-ari at pilit na ginagaya ng mga iba pang pageant organizer kahit walang pondo at walang sariling opisina tulad na lamang ng isang local male pageant na ito na balak pa gawin pang daigdigan kompetisyon. Ang local male pageant na ito ay may adbokasiya sa kalikasan. Sa unang edisyon ng Mister United Continent Philippines 2015 at Mister United Continent 2015 ay naidaos naman ng maayos at maganda ang kinalabasan kahit sa kabila ng mga intriga at alingasngas. Pagdating naman sa mga naging kalahok nila sa local pageant ay masasabi mong may kalidad at palaban (competitive) lahat. Sa tatlong pinadala natin sa mga iba’t ibang kompetisyon, lahat sila ay pumasok sa semi-finals at nakakuha pa ng special awards. Tulad ni Reynaldo Ruiz Cataluna na pumasok sa top 10 ng Mister United Continent 2015 at nakakuha ng mga special awards tulad ng Mister Blackwater, Mister Akira , Mister CAN International at Best in Formal Wear. Si Mark Andrew Baron naman ang nilaban natin sa Mr. Real Universe kung saan siya pumasok sa semi-finals at nakapaguwi ng special awards sa online voting. At ang pinakahuling nilaban ng pamunuan ng Mister United Continent Philippines ay si Francis Alexis Martinez sa Mr. Universal Ambassador kung saan pinalad naman pumasok sa semi-finals.

  2. With shout-outs coming out this early plus the fact that Bali is in fact one of the best tourism destinations, the probability of its success is high. Hopefully our representative captures the crown. Just saying…

  3. Alin sa tatlo, Mr. Republic of the Philippines, Misters of the Philippines, Gentlemen of the Philippines. ang pangagalingan ang ipapadala nila sa nasabing patimpalak? Buhay pa ba Misters of the Philippines dahil puro nagsibitiw na ang mga nanalo? Ano ba yan may drama pa?

Comments are closed.